« Home | myTunes: Brownman Revival » | *Heave* » | GRRR!!! » | Movie Steals: The Notebook » | 7th Sin: Sloth » | Food Glorious Food » | Hail The Queen » | Mirror: Stupidity » | Song of My Life » | A Reply To You » 

Thursday, February 09, 2006 

Case of the Ex

As I mentioned, here's for you. Pasintabi sa banda, pahiram muna ng kaunting linya.

Binigay na ang lahat pero di pa rin masaya
Oo, dito natapos ang ilang buwan mong pagkukunwari, pati na ang aking pangangapa sa dilim. Nagkamulatan ng mga mata, at kahit ang mga taong di natin sinasadyang maapektuhan, nadamay sa gulo. Alam mong binigay ko sa yo lahat, pero sadyang hindi ako. Hindi ako.

Pagkatapos ng nangyari at lahat ng nasabi, gusto mo pa rin ba sa akin?
Matagal na panahon bago naghilom ang sugat ko. Nagpunta ko ng ibang bayan para linisin ang aking isip pati na rin ang ibang sakit ng katawan. Pero nang mapag-usapan, at magkaliwanagan, di ko pinagsisisihan ang mga nangyari. Ewan ko ba, siguro nga talagang minahal kita ng totoo kaya di ko magawang magalit sa yo noon. Tinandaan ko na lang ang mga aral na dulot ng mga pangyayari; siguro nga, yun ang dahilan kung bakit pinagtagpo tayo ng Diyos. Para turuan ako ng leksyon.

Di naman bawal gumiling sa 'king piling
Magkaibigan tayo, pero sadyang may mga bagay na di natin matanggal sa ating mga sarili lalo na't pag magkasama tayo. Pero sa kabila ng lahat, malinaw ang lahat. Magkaibigan tayo. Ngayon at bukas. Lalo na ngayon, may pamilya ka na. Masaya ko para sa 'yo, alam mo yan.

Ikaw ang aking forever kahit tayo ay hindi together
Ako: Buti ka pa hindi mo ko iniiwan.
Ikaw: Oo naman. Kahit anong mangyari, tayo pa rin. Pagtanda natin, sama mo mga chikiting mo, kasama ko mga chikiting ko. Magkakalaro sila. Samantalang tayo, tuloy pa rin tayong mag-uusap tungkol sa mga bagay bagay sa buhay natin.
Ako: Salamat.
Sa mga saya at pighati sa buhay ko, nandyan ka. Nagkamali na ako minsan nang talikuran kita, pero sa kabila ng lahat di mo pa rin ako iniwan. Lagi kang andyan, na kahit kaarawan mo pupuntahan mo ko para damayan kasi iniwan ako ng boypren ko. Tsaka pag may bagong pangyayari sa buhay mo, andito ka para sabihan ako na tila bahagi pa rin ako ng mundo mo. Palagi nang makadugtong ang mga buhay natin, forever.

Sorry if i wasn't able to show up lately. I was very busy with work. Hopefully one of these days I can drop by and send my regards to the family. And, no, I won't show up with a gift for your baby boy. Pakita mo muna sa 'ken si Adi. Don't do anything stupid, ayt? Stay out of trouble. Nyehehe. :P

Labels:

*plays Anthem of our Dying Days*

im one of his women too. that was last year, summer 2006. we got together for two months and hell i got no idea. then Adi called me, her wife. She said she wanted to meet up, and we did.

Post a Comment

Who's There?

  • Look! It's Aquabitch
  • imjustafigmentofurimagination
  • I'm your difficult, miserable, pain-in-the-ass, obnoxious, arrogant, stupid, cold, selfish, snobbish, tactless kind of angel. I eat everything a civilized person would, actually eat a lot of it. I hate cockroaches, lizards, rats (or mouse), smart-ass people, and any jingle composed by Lito Camo. A daughter, mother, sister and friend to people who wish I wasn't. Likes to read, loves to travel, can't live without TV, and a complete sucker for Diablo. Probably undergoing quarter-life crisis, and is at wit's end at pulling everything together.
My profile