Masakit, Mahirap
mahirap lang naman sa atin..
pag di ko na alam ang iisipin
sa kakaselos mo na mababaw naman ang dahilan
wala naman ibang lalaki
bakit ang dami mong sinasabi
hindi mo ba alam na ikaw lang
ang nasa puso ko
o bakit ka ganyan.....
malunod man ang mundo
magkagulo-gulo
pati sa isip mo
meron pa din tayo
matunaw man ang bituin
mapagod man ang ihip ng hangin
iyong alalahanin
ika'y minamahal pa din
Kung nababasa mo 'to, wag mong sabihin sa akin na huwag akong magsulat ng ganito dito. Dahil ito ay parte na ng buhay ko bago pa maging tayo. Tinuturing kong salamin ng pagkatao ko, at saksi sa takbo ng buhay ko.
****************************
"Bakit ganon? Ang hirap hirap maging masaya." -- sabi nga ni Claudine Barretto bilang Mela Ocampo sa pelikulang "Dahil Mahal na Mahal Kita". Kung tutuusin, tama sya. Lalo na pagdating sa larangan ng pag-ibig, wala nang mas sasakto pa sa karanasan na pinagdadaanan ng isang tao na walang ibang hangad kundi maranasan ang ligaya ng minamahal at may minamahal. Lahat ng hirap at sakit titiisin para lang masabi na "sila" pa rin ng taong mahal nya. Kadalasan tuloy, nabubulagan sila sa tunay na pagkatao ng kanilang iniirog o kaya sa totoong lagay ng mga bagay-bagay. Kung baga, kahit hindi na maganda ang pinagbago nung tao o ng sitwasyon, sige pa rin. Ika nga ni Francisco Balagtas aka Baltazar, "O pag-ibig na makapangyarihan, pag ikaw ang nasok sa puso ninuman, hahamakin ang lahat masunod ka lamang".
Dito nagsisimula ang kalbaryo ng pagmamahal. Para bang lagay ka ng lagay ng tubig sa tapayan sa pag-asang lulunukin nito lahat ng binubuhos mo, at pag umapaw dahil lumagpas na sa kakayahan nyang magkipkip, di na mawari kung pano lilinisin ang mga tapon. Ewan ko ba. Sa totoo lang, hangga't maaari wala akong hinihinging kapalit sa bawat butil ng pagmamahal na inuukol ko sa isang tao. Madalas ako ang sinasamantala, kaya pag nasabihan ako ng "binabalewala mo ako" o kaya sa ingles ay "you're taking me for granted", ibang sakit ang nararamdaman ko. Nang dahil sa dami ng trabaho ko maging sa opisina o sa bahay kaya di ako nakapagparamdam ng ilang oras, masabihan ako na hindi sensitibo sa pangangailangan ng minamahal ko, parang hindi yata patas ang laban. Naubos na ang mga bala at lakas ko pero sa huli ako pa rin ang talo. Hindi ko kasalanan kung meron lang akong 24 oras sa isang araw at isang katawan na napapagalaw. Eto lang ang bigay sa akin ng Diyos, kahinaan ba yun?
Isa pa, minsan ang pinagmumulan ng alitan ay ang kawalan ng respeto. Hindi mo pwedeng sabihin na mahal mo ang isang tao kung sa tingin mo siya ay walang kwenta, walang pakinabang, di maipagmamalaki, o kahiya-hiya ang pagkatao. Halimbawa, naiisip mo ba kung pano mamahalin ng taong relihiyoso ang babaeng haliparot? Ang kapita-pitagan sa salot ng lipunan? Ang matalino sa tanga? Imposible di ba? Sa pelikula lang ata nangyayari 'to. Pero pano kung maayos naman talaga ang pagkatao ng isang nagmamahal, pero pilit dinudungisan ng kanyang mahal ang kanyang pangalan? Kung kahit minsan ay hindi na tumaas ang pagtingin nya sa yo kaysa sa isang ibon na nabalian ng pakpak? Kung ikaw ito, di ba madudurog din ang pagkatao mo? Sa mahigit na anim na bilyong tao sa mundo, may nag-iisang tao na inaasahan mong mamahalin ka ng walang alinlangan at kaba. Ito yung taong inaasahan mo na ipagtatanggol ang dangal mo kapag may lumapastangan sa yo. E papaano kung ang taong ito ang mismong tumitingin ng mababa sa 'yo? Turo ng Panginoon, bawal ang maghusga. Ipagpaubaya na natin sa Diyos Ama ang paghuhusga sa bawat tao, dahil tayo'y walang sapat na kaalaman upang magpukol ng kapintasan kaninuman. Lalo na't pinangangalandakan mo na mahal mo sya, huwag mong hiyain ang dangal nya. At higit sa lahat, magtiwala ka na mahal ka rin nya at di dudungisan ang pangalan mo. Hindi tama na maghinala ka na tuwing nakatalikod o nakapikit ka ay may kalaguyo siyang kinakalantari. Ika nga ng isang kaibigan, kung gusto mong mapatunayan kung gaano katapat sa iyo ang mahal mo, itapon mo sya sa bangin puno ng Adonis na may pagnanasa sa kanya. Kung tapat sya sa yo, lalabas syang malinis at may katibayan na ikaw lamang ang naghahari sa puso nya. Ang katibayang ito ang siyang dahilan upang mapanatag ang loob mo na di sya mawawala sa piling mo sa pagiging talipandas. Huwag magbintang! Kung sa kabuuan ng pagsasama nyo ay naging matapat sya sa iyo, mahalin mo sya ng tunay. Bihira na ang faithful ngayon.
Sa totoo lang, mahirap magmahal. At mas mahirap abutin ang pamantayan na ipinukol sa 'yo ng taong mahal mo. Pero eto ko, nagmamahal. Kaya kahit gano pa kahirap, okey lang. Mahal ko e, pakialam mo ba?

haay sistur, oks lang yan.
aja aja fighting!
Posted by
Anonymous |
5/26/2006 7:16 AM
Thanks sis! :hugs:
Posted by
Aquabitch |
5/26/2006 6:30 PM